Nasa dalawampung (20) pamilya at
labing-walong (18) kabahayan ang nai-ulat na naapektuhan ng nangyaring sunog
dakong alas-9:00 ng umaga sa Purok Sampaguita 1, Brgy. 10, Lucena City noong
ika-27 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ayon sa inisyal na ulat mula sa
Lucena City Bureau of Fire Protection, dakong alas-9:15 ng umaga ng makatanggap
sila ng tawag tungkol dito.
Dahil sa magkakalapit at halos
dikit-dikit na ang mga bahay sa nasabing lugar na gawa sa mga light materials, ay
hindi kaagad ito naapula.
Itinaas ng hanggang ikalawang
alarma ang sunog dahil sa lakas ng hangin na nagpakalat ng apoy at kakulangan
sa tubig o ang hina ng pressure mula sa hydrant dito. Pinutol din ang linya ng kuryente.
Dakong alas-10:00 ng dumating
naman ang mga rumespondeng Fire Trucks mula sa mga kalapit bayan ng Tayabas,
Sariaya at Pagbilao Quezon.
10: 05 ng makontrol na ng mga bombero ang apoy at 10:17 ng umaga ay idineklara na itong Fire Out.
Ilan sa mga residente ang hindi na
naisalba ang kanilang mga ari-arian dahil sa bilis ng pangyayari at ang ilan ay
nawalan pa nga ng pera, maging ang naisalba nilang appliances ay nanakaw umano.
Walang nai-ulat na lubhang
nasaktan ngunit isang residente na nakilalang si Argie Doblin, 31 anyos, ang
nagkaroon ng minor burn sa kanyang braso.
Tinataya namang nasa 6.8 million
ang estimated damages.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon
sa nangyaring sunog na ayon naman sa initial investigation ng Lucena PNP ay
nagmula sa bahay ng isang Veronica Gandol Sanlitan, 26
yrs old at nadamay ang mga kalapit pang bahay ng mga Dugal at Rafallo Family.
No comments:
Post a Comment