Tuesday, February 3, 2015

Kampanya Laban sa Kriminalidad isinasagawa sa pamamagitan ng Police Visibility at Mobile Patrolling sa bayan ng Sariaya Quezon



Regular na nagsasagawa ng mobile police visibility patrol o preventive patrolling ang mga elemento ng Sariaya Municipal Police Station sa kanilang nasasakupan (Area of Responsibility), upang paigtingin ang Crime Prevention and Control at ang kampanya laban sa mga elemento ng krimen at lahat ng klase ng iligal na sugal (illegal gambling).




Nagpapatrolya ang Sariaya Police sa lahat ng mga subdivision  at gasoline station sa mga barangay gaya ng Gibanga, Balubal at Sto. Cristo sa ilalim ng direktiba ni Police Superintendent Eduard P. Mallo (OIC) ng Sariaya MPS.

Pinapa-alalahanan ang mga nagsasagawa ng police patrol na maging agresibo at maging alerto sa lahat ng oras, lalong-lalo na habang nagsasagawa ng field duties upang malaman ang anumang kahina-hinala o kasamaan na maaaring mangyari sa kanilang nasasakupan.




Reported by: Jen-jen Oblefias

No comments:

Post a Comment