Mahigpit na ipinatutupad ang mga batas at alituntunin hinggil sa pagbebenta ng karne sa bayan ng Sariaya Quezon, upang siguraduhin na malinis at ligtas ang mga ito na ibinebenta sa pamilihan.
Ang ilan sa mga batas na ito ay ang
DA- Administrative Order No. 5 o ang malinis na paghahanda ng bagong katay na
karne sa pamilihan, kung saan dapat manatili sa lugar ng bentahan ang karne sa
loob lamang ng walong (8) oras magmula sa oras ng pagkatay na nakasaad sa Meat
Inspection Certificate.
Habang ang DA- Administrative Order
No.6 ay nagsasaad na dapat malinis ang paghahanda ng Pinalamig (Chilled), Ilado
(Frozen) at Pinalambot (Thawed) na karne sa pamilihan.
Ang Frozen Meat ay dapat nakalagay sa
loob ng tamang lalagyan na makakapanatili sa temperatura ng karne mula 0°C
hanggang 5°C (freezer, chiller at iba pa), hindi dapat ito ibenta kung
direktang nakapatong sa lamesa lamang.
Ipinagbabawal din ang pagbebenta ng
Buffalo Meat at Botcha at kung hindi nakasisiguro sa kaligtasan ng karneng de
lata ay maaari itong ipagbigay alam sa kina-uukulan.
Ang mga lalabag o hindi susunod sa mga
nabanggit na alituntunin ay papatawan ng karampatang parusa, gaya ng
pagkumpiska ng karne, multa o pagkakakulong alinsunod sa batas sa ilalim ng RA
10536.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment