Monday, February 2, 2015

Ilan sa mga trabaho sa listahan ng DOLE Region IV-A dinadagsa ng mga Job Applicants sa bayan ng Sariaya Quezon

Humigit isang daan na trabahao ang mapagpipilian sa listahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng Region IV-A.

Nasa humigit kumulang sa siyam dito ay regular na ina-aplayan ng mga kababayan natin sa Sariaya Quezon.

Sa tala ng Sariaya Public Employment Service Office (PESO), nangunguna ang Production Operator kung saan nasa 299 ang naging aplikante nito sa unang quarter pa lamang noong nakaraang taon (2014).

124 dito ay kalalakihan at 105 ay mga kababaihan, sinundan ito ng mga trabaho gaya ng service crew, bagger, saleslady o salesman, engineer, welder, computer engineer, driver at machine operator.

Ang age group na kinabibilangan ng mga aplikante ay mula 20 – 24 years old, maliban sa bagger na mas bata ang edad na nasa 15 – 19 years old, habang nasa 31- 34 years old ang mga aplikante sa machine operator.


Pawang mga nakapagtapos ng kolehiyo ang mga Job Applicants at ang ilan ay may mga work experience na.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang pagtanggap ng mga aplikante sa tanggapan ng PESO Office sa nabanggit na bayan, kung saan maaaring makipag-ugnayan sa coordinator officer na si Mr. Dante A. Perez ang sinumang interesadong sariayahin na mag-apply ng trabaho.


Reported by: Jen-jen Oblefias

No comments:

Post a Comment