Friday, February 6, 2015

Feeding Program at Pagtuturo sa Brgy. Mapagong Pagbilao Quezon isinagawa ng Kapulisan at Kabalikat Civicom

Nasa ika-3 araw na ang isinasagawang feeding program ng pinagsanib na pwersa ng Pagbilao Municipal Police Station at Kabalikat Civicom Chapter 164 sa bayan ng Pagbilao Quezon.

Muli itong naisagawa sa Mapagong Elementary School sa Brgy. Mapagong ng nabanggit na bayan kung saan nasa limampung (50) estudyante ang nakinabang.

Nauna na dito ang pagtuturo ng kapulisan sa mga nasa Grade 9 students, sa pamamagitan ng power point presentation ay naisagawa ang isang lecture at open forum tungkol sa “Symposium Prevention on Drug Use and Abuse”.

Tinalakay dito ang mga batas gaya ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165), Anti-Child Abuse Law (RA 7610), RA 8353 at RA 8505 o ang Anti-Rape Law, kasama ang Crime Prevention Tips at iba pa.




Reported by: Jen-jen Oblefias

No comments:

Post a Comment