Tumaas ang bilang ng mga lolo at lola na nag-aabyad ng kanilang Senior Citizens ID sa Bayan ng Sariaya Quezon.
Ayon sa presidente ng Office of the
Senior Citizens Affair (OSCA) na si Ginang Luisita P. Reña, sa pagpasok ng
taong 2015 ay mas marami ang kumuha ng Senior Citizens ID kasabay ng
pagpapa-enrol ng Philhealth Membership.
Dahil ngayon lamang nabigyan ng pansin
at nalaman ng ilang mga seniors ang kahalagahan nito, lalong lalo na ng mga
nakatira sa linang o malayo sa kabayanan.
Dati ay hindi pa sapat ang kaalaman
nila at sa kung ano ang mabibinepisyo nila dito, gaya ng pagkakaroon ng
discount sa pamasahe, gamot at iba pa.
Ang karamihan dito ay ang mga
nakatatanda na may edad 80 years old pataas, mga ipinanganak noong taong 1927
hanggang 1932.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang
pagtanggap ng OSCA sa mga kumukuha ng Senior Citizens ID at nagpaparehistro ng
PhilHealth Membership.
Hinihikayat din ng nasabing pamunuan sa
pangunguna ni Ginang Reña ang iba pang mga hindi pa miyembro na magpatala na.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment