Thursday, June 4, 2015

BENEPISYO PARA SA MGA SENIOR CITIZENS SA SARIAYA QUEZON NAGPAPATULOY


Sariaya OSCA President - Gng. Luisita P. Rena with her husband.




Dahil sa paglago ng ekonomiya ng bansa nagkaroon ng reporma ang gobyerno, na dapat makinabang ang bata at matatanda bilang bahagi ng kaunlarang panlahat o inclusive growth.

Isa ang bayan ng Sariaya Quezon sa pamumuno ni Mayor Rosauro “Boyet” V. Masilang na nagpapatupad ng proyekto at mga programa, hindi lamang para sa kabataan kundi maging sa kapakinabangan ng mga nakatatanda.

Ngayong taon sa buwan ng Enero, nagsimulang tumanggap ng pagpapa-enrol sa Philhealth ang tanggapan ng Office of the Senior Citizens Affair (OSCA) sa naturang bayan.

Ayon kay Ginang Luisita P. Rena, presidente ng OSCA, daang tao kada araw ang dumadagsa sa kanilang tanggapan upang magpa-enrol (register) sa Philhealth.

May mga senior na wala pang Senior Citizens ID dahil hindi nila alam ang kahalagahan ng pagkuha nito, tulad ng pagkakaroon ng 20% diskwento (discount) sa pagbili ng gamot, pagkain, pamasahe sa mga pampsaherong sasakyan at iba pa, ngunit dahil isa ito sa mga requirements para magkaroon ng Philhealth Membership ay kumuha na rin sila. 

At upang masiguro na matatanggap ng mga nakatatanda ang mga benepisyong para sa kanila, ang mga bagong Senior Citizens na nakuha ng ID ay pinapi-fill-up na rin ng naturang opisina sa Philhealth Form.

Dagdag pa ni Ginang Luisita, ang mga dati ng naghuhulog sa Philhealth ay hindi na dapat mag-alala kapag kumuha ng membership pang Senior, sapagkat ang kanilang mga naihulog na ay naandon pa din at ito ay Lifetime Philhealth Coverage.

Hindi na kailangang magbayad ng Premium kapag senior na, pinahihinto na ito dahil libre na ang membership at lifetime na, kung may mga numero na dati ay yun na rin ang ginagamit.

Binago ang Senior Citizens ID, buo na nakalagay ang pangalan, middle initial at apelyido, kasama na ang araw ng kanilang kapanganakan o birthdate.

Kaya naman hindi na umano natatakot ma-ospital ang mga matatanda, ngayon na sila ay Philhealth Member na.

Para naman sa benepisyo ng mas nakatatanda lalo na ang mga indigent na may edad 77 years old pataas o mga ipinanganak ng mga taong 1930s ay benepisyaryo o makatatanggap sila ng buwanang pension o Social Pension for Indigent Senior Citizens bilang isa sa mga provisions na nakalahad sa Section 5 ng Republic Act 9994 o mas kilalang Expanded Senior Citizens Act of 2010, makakatanggap ng Government Assistance ang mga indigent Senior Citizens o Social Pension Program.

Sa Sec.3 nakasaad na ang “indigent senior citizens” ay pinakamahirap na matatanda na mahina na, may karamdaman o kapansanan, walang pension o wala ng nakukuhang suporta sa pamilya (walang permanenteng source of income) walang kasama sa buhay, mag-isang naninirahan at wala ng ibang maaasahan.

Nagkakahalaga ng limang daang piso (P500.00) ang Monthly Pension na matatanggap ng mga indigent na senior. 

Samantala, ang Life expectancy ng Pilipinong nakatatanda sa ngayon ay 72 years old ang babe at 68 years old ang lalaki, kaya naman mula sa edad 77 ay ibinaba ng edad 65 years old ang age qualification ng indigent senior citizen sector na makatatanggap ng naturang monthly social pension.

Ang mga hindi pa nakakakuha noong nakaraang taon mula January hanggang December 2014 na mga Sariayahing pensioner ay may makukuhang anim na libong piso (P6,000.00) at ngayong taon mula January hanggang May 2015 ay P2,500.00.


Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS

1 comment:

  1. paano po maginquire o contact number or person dito sa benefits ng senior citizen? para po maipagbigay alam ko sa kapitbahy namin na senior na.

    ReplyDelete