Monday, June 8, 2015

SENIOR CITIZENS SA SARIAYA, NAKATANGGAP NG SOCIAL PENSION

Mga Senior Citizens tumanggap ng Monthly Social Pension


Naibigay na ang Social Pension Pay-out para sa mga indigent Senior Citizens sa bayan ng Sariaya Quezon noong nakaraang huwebes, ika-4 ng Hunyo, 2015 na ginanap sa Sariaya Sports Complex. 

Ang Social Pension Program ay inilaan para sa mga matatanda na mahihirap (indigent senior citizen), may karamdaman o kapansanan at walang natatanggap na pensyon o permanenteng pinagkukunan ng kita o suporta mula sa miyembro ng pamilya.

Ayon kay Ginang Luisita P. Reña, Presidente ng Sariaya Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), nasa humigit 500 seniors ang nakakuha ng pension, ito ay yung mga pumasa sa National Household Targeting System (NHTS) survey.

Dito may ipinadadala mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A (CALABARZON) upang tumingin at malaman ang datus ng mga nakatatanda na nangangailangan.

Tumanggap ang hindi nakakuha noong nakaraang taon, pamula Jan-Dec. 2014 ng halagang P6,000 at P3,500 mula July-Dec 2014.

Samantala ang mga bagong pensioner naman ay nakakuha sa unang quarter ng taong 2015 ng P1, 500 para sa buwan ng Enero hanggang Marso.

Ito yung monthly pension na P500 na benepisyo ng senior edad 77 years old pataas, na isa sa mga provisions sa Sec. 5 ng Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010), ngunit ngayon ay ibinaba na sa 65 taong gulang ang makikinabang.

Sa nasabing araw ng pay-out, naging katuwang ng DSWD Regional Office ang Municipal Social Welfare and Development Office ng bayan ng Sariaya na pinamumunuan ni Sir Toneth Calatrava  (MSWDO), kasama ang mga tauhan ng OSCA na sina  Mr. Justo De Jesus Maralit (OSCA V-Pres) at Natalia B. Dalton (Liaison Officer).

Nagbigay din ng police asssistance ang miyembro ng Sariaya Municipal Police Station na sina PO3 Jimver Reyes, PO2 Joel Cruz at PO1 Ireneo Alivio.


Layunin din ng DSWD na maitaas pa ang halagang natatanggap ng mga matatandang indigent na P1,000 pension kada buwan, na ayon sa mga seniors kung ito nga ay magagarantiyahan ay malaki ang tulong nito sa kanila at lubos nilang ipagpapasalamat.


 Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS

No comments:

Post a Comment