Tradisyon ng ituring ang
Palarong Pambayan sa Sariaya Quezon. Kada taon itong isinasagawa upang
pagkalibangan ng mga kabataan at ng mga taga rito.
Ang Sports Development
Program ay parte ng governance and development agenda ng kasalukuyang
administrasyon ng Munisipalidad ng Sariaya sa ilalim ng pamumuno ni Mayor
Rosauro V. Masilang kung saan ang inisyatiba nito ay ma-develop ang kakayanan
ng Sariayahing Atleta bilang preparasyon sa iba’t iba at marami pang
kompetisyon ng laro.
Aktibong nakikilahok ang mga
manlalaro dito sa provincial at sub-regional sports competition, gaya ng Gov.
David C. Suarez Cup at Basketball Invitational Championship.
Ayon sa dating Sports
Coordinator dito na si Mr. Simeon “Dyun” Abanador, ang “1st Mayor
Boyet V. Masilang and Sangguniang Bayan Cup” ay nagsimula noong taong 2008.
Tatlong laro ang naging
competition ngayon, ang Basketball
Tournament ay may limang division: Elementary at Junior Division, Senior Division,
Inter-Agency at Balik Laro), habang ang Volleyball
Tournament naman ay may apat na Division: Elem. at Junior Division,
Kababaihan at Senior Division.
Sa Dart Tournament naman ay may: Four Man Team Event (no age limit) at
Junior Single Event (16 years old and below).
Naging matagumpay ito sa
pagtutulungan ng mga kalahok at mga opisyal ng laro gaya ng Head of Technical
Committee na si Father Arnel Galeon, Punong Barangay Nelson Dimailig
(Basketball Commissioner), Kapitan Aristeo “Aris” Ilao (Overall Chairman),
Elmer Maranan (Tournament Director), Willy Labitoria (Head Table Official) at Municipal
Sports Coordinator na si Mr. Hermie Lagrazon (Volleyball Commissioner).
Champion sa nakaraang Sports
Event sa Basketball ang Sampaloc 2 para sa Senior at Elementary Division , Most
Valuable Player (MVP) si R. Atienza (Sr. Div.) at Fajarda (Elem. Div.)
Team Sucgang Trucking
Services naman ang kampeon sa Junior Division, kung saan ang MVP ay si CJ
Abanador habang si Evan Enriquez ng nanalo ring grupong Black Mamba ang MVP
naman sa Balik-Laro Division.
Samantala, Sariaya Trail
Riders ang Champion sa Inter-Agency Division, na ang MVP ay si Angel Titic.
Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS
No comments:
Post a Comment