Candelaria Quezon - "Candelariahing Pinoy Medal" |
Dahil sa matagumpay na Launching
ng Candelariahing Pinoy Singing Idol 2015 - Teen Edition, muling
pinagpaplanuhan ng Lokal na pamahalaan ng Candelaria Quezon, sa pamumuno ni
Mayor Ferdinand R. Maliwanag ang susunod na edition nito.
Ginanap ito noong ika-25 ng
Mayo taong kasalukuyan sa Plaza Narra na nasa loob ng Municipal Compound dito.
Ayon kay Arlyn O. Manlulu,
Event Management Officer ng Serbisyong Candelariahing Pinoy, ito ang
kauna-unahang pagkakataon na sinubukan nila ito upang maka-discover ng Local
Talent na masasabing sariling atin (Candelariahin).
Layunin nito na malinang pa
sa mas mature at magaling na singer gaya ng ilang mga matatagumpay na talent
mula sa iba’t ibang probinsiya ang mga nasa edad 10 years old hanggang 14 years
old na kabataan sa kanilang bayan, na maaaring mag-guest sa TV Station, na
magsasabing “Ako ay Proud na Candelariahing Pinoy”.
Dagdag pa ni Manlulu, ito ay
dapat isang simpleng contest lamang, “trial
and error lang” ngunit sa paglipas ng mga araw nagkaroon ng progress sa mga
plano, kaya naging TV Production ang nangyari, kung saan may workshop na parang
“The Voice”.
Iba ito sa ilang mga singing
contest sa labas, ayon sa Event Coordinator ng Special Activities na si Mr.
Noel Angelito Rigos, “Kasi very
successful yung launching, kasi actually yun ay first ever, na magkaroon ng
Title na Candelariahing Pinoy Singing Idol”. na sinang-ayunan din ni Mr.
Erickh C. Ona, ang Supervising Admin. Officer ng naturang Special Project,
dahil sa tagumpay nito.
Yung essence ng competition
ay inalis bagkus isang magandang production o palabas ang nangyari at habang
nago-audition ang mga bata ay hinanapan din nila ito ng iba pang skills kung
saan may mga magaling tumugtog ng gitara, magaling magsayaw at iba pa.
Ibinili rin nila ang mga
bata ng damit, bukod pa sa workshop o pagtraining nila sa mga ito kung paano
mag-perform.
Sa 22 finalist, lima (5) ang
nanalo, kung saan nakatanggap sila ng Achievement Certificate at Candelariahing
Pinoy Medal.
Tinanghal na Grand Winner
ang 10 taong gulang na si Marianne Denice Matugas ng Brgy. Malabanban Sur, na
tumanggap ng Plaque, Musical Scholarship Award, Medal at Cash Prize na P15,000.
1st Runner Up naman
si Karl Angelo Gutana, 12 yrs. old ng Mangilag Sur na tumanggap ng
P12,000. 2nd Runner Up ang
batang 14 yrs. old na si Regie de Luna, ng Brgy. Masalukot V na nabigyan ng P10,000.
Samantala 3rd
Runner Up si Ivy Martinez (13 yrs. old) ng Brgy. Pahinga Norte na may P8,000 at
4th Runner Up naman ang taga Old Buenavista West na si Joanna Marie
Urbano, 13 yrs. Old at nag-uwi ng P5,000, ang mga hindi naman pinalad ay may Consolation
Prize na P1,000.
Aabangan naman ang susunod
na edition na mangyayari matapos ang matagumpay na Special Project na ito ng Lokal
na pamahalaan ng Candelaria Quezon.
Reported by: JEN-JEN OBLEFIAS
No comments:
Post a Comment