Sa pagitan ng
alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw ang tinatayang “crime
clock” o ang oras kung saan ang krimen ay madalas mangyari, base ito sa
obserbasyon ng Sariaya Municipal Police Station sa kanilang nasasakupang bayan.
Nito lamang
lunes (Nov. 10), ganap na ika-10:00 ng gabi ng matiklo ng Sariaya Pulis ang
isang lalaking suspek sa drugs na nakilalang si Ruelito Veloso Torres, 43
anyos, tinder ng isda at residente ng Sitio Dalampasigan, Brgy. Guis-guis
Talon, Sariaya Quezon.
Sa
pamamagitan ng isinagawang OPLAN: Sita ng mga kapulisan sa nabanggit na bayan,
naaretso ang suspek sa Eco-Tourism Road sa kanyang barangay na tinitirhan
matapos sitahin habang sakay ng isang Honda XRM na motorsiklo na may plakang
1553 DL.
Habang
bine-beripika ang mga kaukulang papeles ng sasakyan ay kinakitaan ito ng tuyong
dahon sa kanyang kamay na pinaghihinalaang marijuana at ilang piraso ng lukot
na aluminum foil na akma pa nitong itatapon.
Dahil dito
agad na dinakip ang lalaki habang ang nakumpiskang ebidensya naman ay kaagad
ding dinala sa Crime Laboratory para sa eksaminasyon.
Sa
kasalukuyan ay nasa loob na ito ng selda habang nahaharap sa isinampang kaso ng
paglabag sa Section II, Article 2 ng RA 9165 (Possession of Dangerous Drugs),
kasama na ang pagmamaneho ng walang lisensya.