Ayon sa statistic on Violence Against Women (VAW), isa sa
limang (1 of 5%) babae ay nakararanas ng physical violence simula edad 12 years
old at 7% ang inabuso sa nakalipas na
labing dalawang buwan, ayon sa 2013 National Demographic and Health Survey (NDHS).
Dahil dito patuloy na isinasagawa ang pangangampanya para
matuldukan na ang pananakit sa mga kababaihan.
Labing walong araw o 18-Days Campaign na sisimulan sa ika-25
ng Nobyembre hanggang ika-12 ng Disyembre taong kasalukuyan ang isasagawa, na
may temang: End VAW Now, it’s our Duty”.
Suportado ito ng iba’t ibang grupo at ahensya ng pamahalaan kasama
na ang Philippine National Police (PNP), Samahan ng mga kababaihan at marami
pang iba.
No comments:
Post a Comment