Muling
nagsagawa ng barangay visitation ang Sariaya Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng pamumuno ni Police Supt.
Eduard Mallo sa dalawang magkasunod na araw.
Nito lamang
nakaraang biyernes at sabado binisita nila ang Brgy. Poblacion 2 at ang Brgy.
Antipolo sa bayan ng Sariaya Quezon.
Dito
ipinaliwanag at itinuro ang mga bagay tungkol sa Crime, Disaster Reduction at
iba pa.
Ganoon din
ang iba’t ibang krimen at paano ito maiiwasan at masu-solusyonan lalo na at ang
sangkot ay kababaihan at kabataan.
Hinihikayat
din ng Sariaya PNP ang lahat ng sariayahin partikular na ang mga taga barangay
na ipagbigay-alam sa pamamagitan ng pag text o pagtawag sa PNP Hotline ng
kanilang lugar ang mga kahina-hinalang bagay na di normal o kaduda-duda.
Ipina-aalala
rin ang mga bagay na ipinagbabawal tulad ng pagkakarera ng mga motorsiklo,
sugal, droga at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment