Magkakaroon
ng 2 araw na study tour sa bayan ng Sariaya Quezon ang delegasyon ng lokal na
pamahalaan ng Mendez-Nuñez Cavite sa pamumuno ni Mayor Fredderick Vida.
Ang nasabing
lakbay aral ay sinimulan kahapon sa naturang bayan na pinaghanadaan naman ng
Sariaya Tourism Council (STC) sa pangunguna ng Presidente nitong si Ginang
Rowena Z. Masilang ang pagdating.
Isang Audio Visual Presentation ang ipinakita ng miyembro ng Sariaya Tourism upang ilahad ang mga ginagawang fiesta at iba pang selebrasyon sa nabanggit na bayan.
Kasama na ang
pagpapakita ng mga heritage houses at ilang mga tanawin na makikita sa
Kabundukan, Kapatagan at Karagatan (KKK).
Layunin ng
pag-aaral na ito ang makapagbahagi at magkaroon ng kaalaman sa kung ano ang
mabubuting pamamaraan sa pagsulong, pagpapa-unlad at pagpapa-ganda ng turismo
ng isang bayan.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment