Saturday, November 22, 2014

STATISTIC NG VIOLENCE AGAINST WOMEN INILABAS, MGA AHENSYA AT PRIBADONG SEKTOR MAKIKIISA SA PANGANGAMPANYA BILANG SUPORTA

Ayon sa Statistic of Violence Against Women (VAW) ng Philippine Commission on Women (PCW) simula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon (2013).

Nakapag-dokumento ng umaabot sa 23,806 na kaso ng Violation of Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 - VAWC) ang Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

76% ng 18,215 VAWC cases ang naresolba ng umabot sa Department of Justice (DOJ) para sa investigation and prosecution noong 2013.

Nasa 9,286 naman ang nadala sa korte, 22% ang nadismissed at 3% (552) ang nasuspinde o ini-refer sa ibang aksyon.

Dahil dito katuwang ng nasabing ahensya ang PNP at ilan pang pribadong sector sa kampanya para matuldukan ang karahasan sa kababaihan at kabataan.


Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Presidential Proclamation No. 1172 at sa nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III na Republic Act 10398, na nagdedeklara ng Nov. 25 ng bawat taon bilang National Consciousness Day for the Elimination of Violencen Against Women and Children.



Reported by: Jen-jen Oblefias

No comments:

Post a Comment