Hindi lamang
sa undas, maging sa iba pang aktibidad ay handang magbigay ng kanilang oras ang
mga grupo na boluntaryo na naki-isa sa pagbabantay simula noong ika-31 ng
Oktubre hanggang ika-2 ng Nobyembre.
Maaalalang
may mga volunteers mula sa Local Government Units, Kapitan ng mga Barangay,
Brgy. Tanod, Brgy. Police, Bantay ng Bayan, Bureau of Fire Protectin (BFP),
KABALIKAT CIVICOM, Quezon Reserved Army at marami pang iba ang naglaan ng
kanilang oras para umalalay sa mga kababayan natin sa paggunita ng araw ng mga
patay at naging katuwang ng mga kapulisan sa pagpapanatili ng Peace and Order
at Traffic Management sa kani-kanilang lugar na nasasakupan.
Asahan na
sila ay handang magbigay ng kanilang Serbisyong Publiko kapag sila ay kakailanganin
ng bayan.
Reported by: Jen-jen Oblefias
No comments:
Post a Comment