Saturday, November 8, 2014

TOURISM PROGRAM AT BEST PRACTICES NG BAYAN NG SARIAYA QUEZON IPINAGMALAKI NG SARIAYA TOURISM COUNCIL

“Slowly but surely”, ito ang sinabi ng presidente ng Sariaya Tourism Council (STC) na si Ginang Rowena Z. Masilang nang kamustahin ng delegasyon ng LGU Mendez-Nuñez, Cavite, ang turismo sa bayan ng Sariaya Quezon sa ginawang 2-day study tour dito.

Bilang food basket at prime tourist destination na bayan, ipinagmalaki rin ni Executive Assistance Mr. Marion Saligay ang Solid Waste Management ng Sariaya, na isa sa mga best practices dito.

Ang presidente naman ng Sariaya Heritage Council (SHC) na si Mr. Danny De Luna at PIO ng STC na si Ginoong Eric Dedace, ang naglahad ng kwento ng nakaraan o history ng nasabing bayan kung saan tampok ang Kabundukan, Kapatagan at Karagatan (KKK).


Ipinagmalaki rin ang heritage based tourism at eco-tourism, maging ang mga highlights of accomplishments ng nasabing bayan gaya ng Senakulo, Agawan Festival, Pista ng Kabataan, Belen Festival, Trade Fair at conferences na ipini-features sa nasyonal at international media.  

No comments:

Post a Comment