Ilang oras na nga lamang at magpapalit na ang taon, kung kaya naman mas pahihigpitin pa ang pagbabantay ng kinauukulan sa publiko.
Ganun pa man patuloy rin ang paghikayat sa mga tao na iwasan ang pagpa-paputok ng mga delikadong firecrackers sa pagsalubong ng 2013.
Ikina-alarma ni Sen. Loren Legarda ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng paputok habang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Kaugnay nito, hinikayat ng Senadora ang mga mamamayan na sumunod sa pagbabawal ng mga awtoridad sa paggamit ng baril at mga delikadong paputok o firecrackers.
Aniya makapipinsala sa kalusugan ng tao at kapaligiran ito, kabilang na nga ang pagsunog ng mga lumang gulong ng sasakyan kung saan delikado ang usok dahil sa naglalaman ito ng kemikal
Sa pinakahuling tala ng Dept. of Health, umabot na sa 150 ang nasabugan ng malalakas na paputok at isa naman ang nasugatan nang tamaan ng stray bullet o ligaw na bala.
Dagdag pa ni Legarda mas mabuting salubungin aniya ang bagong taon ng kumpleto ang mga daliri sa kamay at paa o walang anumang pinsala sa bahagi ng katawan ng tao.
Inirekumenda niya na gumamit na lang ng torotot at iba pang paraan na mas ligtas at walang epekto sa ating kalikasan.
No comments:
Post a Comment