Kaugnay ng nanalansang bagyong Pablo, nanawagan si Sen. Loren Legarda na pag-ibayuhin ang Disaster Preparedness and Risk Reduction Management sa lahat ng komunidad sa buong bansa.
Ito ay bunsod ng nakaka-alarmang pagkamatay ng maraming residente at pagkasira ng mga ari-arian.
Dahil sa humigit 20 bagyo ang dumadalaw sa Pilipinas kada taon ay iginiit ni Sen. Legarda na dapat tiyakin ng mga Local Government Units (LGUs) ang kaukulang paghahanda para maiwasan ang ganitong trahedya sa sususnod na mga darating pang kalamidad.
Sa dumaang bagyong Pablo o Typhoon Pablo ay naitala ang 100 na bilang ng nasawi sa bayan ng New Bataan, Monkayo sa Compostela Valley, Kateel Boston at Bagangga sa Davao Orriental.
Marami rin ang nasirang ari-arian sa Surigao Del Sur, Lanao Del Sur at iba pang lugar sa Northern Mindanao.
Dahil dito hiniling ni Legarda na magsagawa ng Assessment sa “Cause and Effects” ng Super Typhoon Pablo na nagdulot ng landslide at pagbaha, dagdag pa niya, dapat matuto ng leksyon ang mga apektadong bayan at lalawigan para maging handa o magkaroon ng Disaster Preparedness upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay at pagkawasak ng mga ari-arian.
Si Pablo nga gaya ng typhoon Sendong at Ondoy ay mga natural na kalamidad na sumubok sa kahandaan ng mga Pilipino, kung kaya naman patuloy na ipinatutupad ang mga batas sa pangangalaga ng kapaligiran at climate change adaptation.
Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am
No comments:
Post a Comment