Sa isinagawang Pulse Asia Survey simula November 23 hanggang 29, kung saan 1,200 respondents ang nakilahok, lumabas na ang pinakamataas na may majority approval ratings sa national issues ay ang pagprotekta sa kalikasan o environmental protection.
Ang kampanya ng gobyerno sa pagpigil sa pagsira at pag-abuso sa kalikasan ay nakakuha ng approval rating na 60%, kung saan tumaas ito ng 10% kumpara noong nakaraang Setyembre.
Dahil sa pagkamulat ng mga tao sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan, ikinagalak ito ni Chair of the Senate Committee on Climate Change and UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific, Sen. Loren Legarda.
Ayon sa Senadora ang pagtama ng iba’t ibang kalamidad sa bansa ay nagbigay ng pagbabago sa pananaw ng mga tao at pagkakaroon ng mataas na environmental awareness sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.
Idinagdag din niya na kahit marami ng batas ang ipinasa para sa proteksyon ng kalikasan ay kailangan pa rin itong mas paigtingin, tulad ng Clean Air Act, Solid Waste Management Act, Renewable Energy Act na siya ang may akda at maging ang Clean Water Act.
Tumaas man ang kamalayan ng mga tao sa environmental awareness at climate change adaptation sa mga nakalipas na taon ay hindi pa rin nito nagagawang ayusin ang mga nasira.
Aniya ang mga negosyante ay dapat magkaroon ng clean new technologies, adopt energy efficiency measures at re-engineer corporate social responsibility para sa pagtatayo ng disaster-resilient local communities.
Kahit sa ating sariling pamamahay ay marami tayong magagawa upang makatulong sa ating kalikasan tulad na lang pagre-recycle.
No comments:
Post a Comment