Si Senadora Loren Legarda ang nangunguna sa the Center Pulso ng Pilipino Survey na isinagawa noong November 26 hanggang December 6.
Nakakuha si Legarda ng 67% o halos limang puntos ang kalamangan sa pumapangalawang si Senator Chiz Escudero na may 62%.
Nasa ikatlong pwesto naman si Senator Allan Peter Cayetano (49%); nag-tie sa ika-apat na puwesto sina Congressman JV Ejercito at Chyntia Villar (44.3%); sinundan ni Senator Koko Pimentel (43%); Congressman Jackie Enrile (41%); Senator Gringo Honasan at Migz Zubiri (39.4%); Antonio Trillanes (36%) at dating Senator Richard Gordon (35.5%).
Naungusan naman ni Vice President Jejomar Binay si Pangulong Noynoy Aquino sa Satisfaction Rating.
79% ang satisfaction rating ni Binay habang 71% kay Pangulong Aquino.
68% ang satisfaction rating ni Senate President Juan Ponce Enrile at 48% kay House Speaker Jose Belmonte.
44% naman ng mga pinoy ang optimistic na gaganda ang ekonomiya sa 2013.
No comments:
Post a Comment