Patuloy ang paglipas ng panahon at patuloy sa pagbabago ang klima ng daigdig, kung kaya naman patuloy din ang pagsubok sa lahat ng nabubuhay sa mundo.
Dahil sa Climate Change na dulot ng Global Warming hindi na nga mapigilan ang halos sunod-sunod na natural na kalamidad na ating nararanasan.
Kung kaya naman magiging mas mailap ang kaunlaran na matagal na nating minimithi at dahil sa hindi na nga mapigilang pagbabagong ito, panahon na upang kumilos.
Ayon kay Sen. Loren Legarda sa kanyang privilege speech na isinagawa sa Senate Session Hall, huwag na umano nating ipagsawalang bahala ang pagbabagong ito, bigyang halaga ang paghahanda para sa mga likas na panganib at mga epekto nito.
Dagdag pa ng senadora matuto na tayo sa ating mga naging karanasan , ito ay hamon hindi lamang sa mga mamamayan kundi pati na rin sa mga lokal na pamahalaan kung paano hihikayatin ang isang pamayanan na maging matatag at handa sa mga likas na panganib.
Tulad na lang ng pagkakaroon ng maagap na sistema o ang tinatawag na “Early Warning System”, upang masabihan ang mga tao na lumikas dahil sa nakaambang panganib na dulot ng isang bagyo, lindol o tsunami.
Bukod dito makakatulong din ang paglilinis ng estero nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig, magtanim ng puno at huwag tapon ng tapon kung saan-saan bagkus matutong mag-recycle.
Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am
No comments:
Post a Comment