Bilang tugon sa pagbabago ng buhay ng isang magsasaka at tulong upang mapaunlad ang mga produktong pang-agrikultura, naglunsad muli ng panibagong programa para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.
Tatawaging Farmers Enhancement Productivity Program (FEPP) ang panibagong programang ito na ilulunsad sa taong 2013, nakasaad dito na “Ang pamahalaang Panlalawigan ang magbibigay ng binhing pananim, kasunod ang paglalaan ng Cash Assistance , gayun din ng mga abono”.
Para naman mapangalagaan ang kabuhayan ng magsasaka, ang pamahalaang panlalawigan na ang bibili ng mga produkto buhat sa isang magsasaka na nasa ilalim ng programang FEPP.
Ayon pa kay Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, bibigyan din ng prayoridad ang anak ng mga magsasaka upang maging scholar ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon.
Ipinagmalaki rin ng am ng lalawigan ang programang “Organic Farming” na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang paskuhan ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tayabas noong Dec. 14, 2012 sa Municipal Covered Court ng naturang bayan.
Nakipagdiwang din si Gov. Suarez ng kapaskuhan sa Brgy. Pulo, San Antonio Quezon, dito nabanggit niya ang kanyang ginagawang pagbisita sa malalayong lugar kung saan nalalaman at nararamdaman niya ang mga pangangailangan ng bawat isang pamilya.
Paraan umano ito upang iparamdam sa mga taga-Quezon na bukas ang kapitolyo para sa lahat, sa ilalim ng mga Programa ng Serbisyong Suarez.
(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Antioquia-Estacio komentaryo (8:30-9:00 am) 105.3 FM Radio City
No comments:
Post a Comment