Nasa humigit kumulang apa’t na libo o 4,000 ang naitalang nabakunahan o naturukang mga hayop, ng libreng Anti Rabies, kamakailan sa bayan ng Candelaria, Quezon.
Personal na tinungo ng ilang pet owners ang munisipyo ng naturang bayan, dala ang kanilang mga alagang aso para sa libreng bakuna, kung saan 306 ang matagumpay na naturukan ng anti-rabies.
Samantala ang iba naman na may mga alagang baboy, baka, kalabaw atbp na hayop ay humingi nalamang ng gamot, tulad ng bitamina, pamurga o pang-alis ng kuto, na maaaring gamitin o ibigay sa kanilang mga alaga.
Ang gawaing ito ay alinsunod sa mga proyekto at programa ng local na pamahalaan ng Quezon, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez.
Ang Animal Medical Mission na ito ay naglalayong makamit, ng lalawigan, ang pagiging Rabies Free ng Probinsiya at matutukan ang kalusugan ng mga alagang hayop na nakakaapekto sa kapaligiran, katuwang ang Provincial Veterinary Office
Ayon Kay Animal Health Division, Head Rodelito Pamular, patuloy ang taos puso nilang paglilingkod upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop, nagpasalamat din siya sa suportang ipinagkaloob ng Ama ng lalawigan sa bawat munisipalidad.
No comments:
Post a Comment