Tuesday, November 27, 2012

Serbisyong Suarez para sa Kalusugan nagpapatuloy


Bukod sa ipinamamahaging Health Coupon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, ay nagbibigay din ng libreng “Serbisyong Medikal at Dental (Free Medical and Dental Mission)” sa iba’t ibang bayan.

Layunin ng aktibidad ng Serbisyong Suarez para sa kalusugan, ang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga taong bayan, kabilang na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at libreng gamot na angkop sa pangangailangan ng tao.

Isa ang bayan ng San Narciso Quezon sa nabigyan ng libreng Serbisyong Medikal at Dental noong ika-22 ng Nobyembre na ginanap sa Brgy. Hall ng Brgy San Juan ng nabanggit na bayan.

Dito ay humigit  limang daang katao ang nakinabang sa libreng Medical and Dental Consultation, kasama na nga ang pamamahagi ng libreng gamot para sa ilang karamdaman gaya ng: highblood, lagnat, sipon, ubo, pamurga, vitamins at iba pa.

Ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga mamamayan doon ang naturang programa sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez na malaking tulong umano sa naturang lugar.

Ayon sa kapitan ng brgy. na si Ginoong Melquiades Polo, malayo ang ospital sa kanila na nagiging dahilan kung bakit hindi kaagad nakaka-pagpatingin ang kanyang mga kabarangay na may karamdaman at ang ilan ay walang pera upang magpakonsulta.

Patuloy ang pagtulong at pakikiisa  ng mga boluntaryong doctor at dentista katuwang ang mga health workers at ang lokal na pamahalaan sa Free Medical and Mental Mission, na handog sa mamamayan ng  Probinsiya ng Quezon.                             

No comments:

Post a Comment