Blood Letting Program @
Brgy. Tambak, Pagbilao Quezon
"Dugong Bigay Mo, Dugtong sa Buhay Ko"
"Dugong Bigay Mo, Dugtong sa Buhay Ko"
Pagbilao Quezon - Naging maayos at matagumpay ang isinagawang half day na Blood Letting Program sa Brgy. Tambak, kung saan nasa humigit kumulang limampu (50) katao ang naging participants, ngunit nasa dalawampu't dalawa (22) lamang ang nakuhanan ng dugo.
Ilan sa mga kadahilanan ay high blood, low blood, naka-inom o di kaya'y may hang-over.
Ginanap ito sa Brgy. Hall ng nasabing lugar kung saan ito ay suportado ng punong brgy. na si Brgy. Captain Luisito Merjudio (Matikas Reserved Army), mga Brgy. Officials at Mr. Warren Medrano (Matikas Reserved Army) na syang coordinator sa Philippine Red Cross, Lucena Chapter.
Nakilahok din sa naturang programa ang ilan pang Quezon-Reservist na sina: Sgt. Julieta Roperez, Pvt. Rosana Omalin, Pvt. Edwin Caliao at Pvt. Carl Aldrin Buencamino.
No comments:
Post a Comment