Bukod sa ipinamamahaging health coupon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, ay nagbibigay din ng libreng serbisyo o free medical and dental mission, sa iba’t ibang bayan.
Layunin ng aktibidad ng Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga taong bayan, kabilang na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at libreng gamot na angkop sa pangangailangan ng tao.
Isa ang bayan ng San Narciso Quezon sa nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental, noong Nov. 22, 2012 na ginanap sa Brgy. Hall ng Brgy. San Juan ng nabanggit na bayan
Dito ay humigit limang daang katao ang nakinabang sa libreng medical at dental consultation, kasama na nga ang pamamahagi ng libreng gamot para sa ilang karamdaman na gaya ng high blood, lagnat, sipon, ubo, pamurga, vitamins at iba pa
Ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga mamamayan sa nasabing bayan ang programang ito ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez, kung saan malaking tulong umano ito sa naturang lugar.
Ayon sa kapitan ng Brgy. San Juan na si Ginoong Melquiades Polo, malayo ang ospital sa kanila, na nagiging dahilan kung bakit hindi agad nakakapagpatingin ang kanyang mga kabarangay na may karamdaman at ang ilan ay walang pera na ipangbabayad sa pagpapakunsolta.
Patuloy rin ang pagtulong at pakikiisa ng mga boluntaryong doktor at dentista katuwang ang mga Brgy. Health Workers at lokal na pamahalaan sa Free Medical and Dental Mission na handog sa mga mamamayan ng probinsiya ng Quezon.
No comments:
Post a Comment