Hindi na nga nauubos ang mga problema sa kalsada, tulad ng Problema sa Trapiko, tadtadin man ng napakaraming Traffic Signs ang bawat kanto ng mga kalsada sa bawat bayan ay hindi pa rin ito napapansin hanggang sa mabulok na lamang ang mga materyales na ginamit dito.
Kapag nga sumapit na ang gabi ay wala ng Traffic Violation dahil wala ng manghuhuli, bukod pa dito anumang oras basta’t walang pulis na manghuhuli ay hantaran na ang makikitang paglabag sa batas.
Pangkaraniwan na nga ang ganito sa bahagi ng mga public market, kung saan nagkalat ang mga tindero at tindera na halos sakupin na ang buong kalsada, nagsusulputan din ang mga illegal parking, illegal terminal at kung anu-ano pa. Kung may pulis nagkakaroon naman ng kaso ng pangongotong.
Napakadami nga ng kamalian o paglabag sa mga ipinatutupad na batas na kung papansinin lamang natin ay hantaran na sa mga lansangan.
Ang pagpapaigting ng mga batas, pakikiisa at maayos na pagsunod ng mga mamamayan ang tanging solusyon upang mapatupad ng maayos ang mga ipinatutupad na batas.
No comments:
Post a Comment