Sa tulong ng Villar Foundation at iba pang kaugnay na ahensya ng pamahalaan, gaya ng Dept. of Foreign Affairs, Dept. of Labor and Employment, Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), Blas Ople Center at ng Migrante ay libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumanas ng iba’t ibang uri ng pagpapahirap at pang-aabuso mula sa kanilang amo ang napabalik na sa bansa. Kabilang na nga dito ang 10 OFWs galing Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.
Ang programa o gawain na ito ng Villar Foundation sa pangunguna ng Managing Director nito na si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, ay naglalayong matulungan at mapabalik ang mga OFWs na humingi ng saklolo dahil sa pang-aabuso ng amo.
Tiniyak ni Villar na tutulungan ang mga Pilipino na mapauwi at ang kanilang pamilya para makapag simula ng bagong buhay, alinsunod pa rin sa isinusulong na mga adhikain ng Villar Foundation.
Lubos ang pasasalamat at kagalakan ng mga napauwing OFWs dahil sa pagtulong sa kanila.
No comments:
Post a Comment