Friday, November 16, 2012

Malaria Cases bumababa (Quezon Province)



Mula sa bilang na 364 na malaria cases sa probinsiya ng Quezon, patuloy na bumaba ang bilang ng sakit na ito sa kasalukuyan.

Ito ay bunsod ng programang patuloy  na ipinatutupad  ni Gov. David Jayjay Suarez sa pamamagitan ng tanggapan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pangunguna ni Dr. Agripino Tullas

Ang malaria nga ay ang pinaka kilalang sakit na makukuha tuwing panahon ng tag-ulan na galing sa mga babaeng lamok.

Sinasabing ang Malaria ang pinakadelikadong sakit sa india na kumitil na sa maraming buhay doon.
Malalamang ikaw ay apektado ng naturang sakit kung nakararamdam ka ng sintomas gaya ng pabalik-balik na lagnat, panginginig, pananakit ng katawan at panghihina.

At bilang pagtugon sa suliraning pangkalusugan kaugnay ng sakit na ito ay nagsagawa at nagtatag ng Provincial Malaria Monitoring Team sa pangunguna ni Gov. Suarez, kung saan umiikot ito sa bawat bayan at bawat barangay sa buong lalawigan ng Quezon.

Bukod sa spray ng mga kemikal na panlaban sa lamok na nagdadala ng malaria, namimigay din ng libreng kulambong merong insecticide ang grupo, sa bawat pamilyang apektado ng outbreak.

Pangunahing gawain ng monitoring team ay ang magsagawa ng malaria awareness forum na kung saan ay kanilang itinuturo sa bawat mamamayan ang mga pangunahing gawain kung papaano maiiwasan ang pagkakasakit ng malaria o ang maagap na pagpigil kung sakaling magkakaroon ng malaria outbreak.

Sa tala ng kaso ng malaria cases sa buong lalawigan bumaba ito ng 246 noong taong 2010, naging 74 cases noong 2011 at sa ngayon makalipas ang dalawang taon ito ay bumaba na sa 17 cases na lamang at wala na rin umanong naitalang bilang ng namatay dahil sa sakit na malaria.

No comments:

Post a Comment