Patuloy na isinasagawa ang iba't ibang programa at aktibidad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.
Kabilang na sa mga programang ito ay ang proyektong may kaugnayan sa ating kalikasan.
Sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan katuwang ang Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ay patuloy ang monitoring o pagtutok sa mga environmental programs.
Kabilang na nga ay ang mga puno ng bakawan na itinanim sa mga baybaying dagat noong June 30, 2012, alinsunod sa programang pagtatanim sa buong lalawigan.
Layunin nito na siguraduhin, na sa darating na panahon ay malalaman ang kahalagahan nito sa atin.
Samantala patuloy nang isinusulong o ipinatutupad ang Solid Waste Management System sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatakda na ring ipatupad sa bawat munisipalidad.
Patuloy na rin ang paghikayat ng mga lokal na pinuno ng bayan sa kanilang mga mamamayan na iwasan na rin ang paggamit ng plastic kundi mga recyclable materials, na lamang.
No comments:
Post a Comment