SSgt. Ramon Lasay (left) SSgt. Reynaldo Angala (right) of Task Force Lucena
Nasa ika-8 araw na nga, ang isinagawang pagsasanay kahapon ng mga Ready Reserved Army ng Quezon.
Tinalakay sa semi-finals attendance, 8th Organizational Training day, ang Map Reading at Patrolling.
Unang nagsagawa ng lecture si SSgt. Ramon Lasay ng Task Force Lucena, tinalakay at itinuro niya ang tungkol sa paggamit at pagbabasa ng mapa o “Map Reading”.
Sinundan ito ng Lecture tungkol sa “Patrolling” ni SSgt. Reynaldo Angala ng Task Force Lucena.
Umaasa ang mga lecturer na matutulungan nila ang mga reservist upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa mga gawaing militar o military tactics.
Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng 10 days Organizational Training na isinasagawa tuwing araw ng linggo sa CDC ng Camp Guillermo Nakar, Lucena City ay pinaghahandaan na rin ng tropa ang tamang pagmamartsya o marching, pati na rin ang ilang mga plano tulad ng presentasyon o presentation sa nalalapit na Graduation day.
No comments:
Post a Comment