Bukod sa pagdiriwang ng ratipikasyon ng Pilipinas sa
International Labor Organizations (ILOs) Convention 189 para sa mga kasambahay
at pagsulong sa panukalang Expanded Anti-Trafficking Act, ay suportado rin ni
Senate President Committee on Foreign Relations, Sen. Loren Legarda ang
panawagan ni Ambassador Evan Garcia, kung saan iminumungkahi nito sa ibang
bansa ang mabigyang pansin o ratipikahin ang mga kumbensiyon para sa proteksyon
ng mga sector o isyu nan aka-aapekto sa maraming kabataan at kababaihan sa
buong mundo.
Tulad ng UN Convention against Transnational Organized
Crime (Palermo Convention) at International Labor Organizations (ILOs)
Convention 189 para sa mga kasambahay, na niratipikahan nitong nakaraang
Agosto.
Sinabi rin ni Sen. Legarda na ang mga kumbensiyon na ito
at ang mga isyung kanilang nais iresolba ay dapat kabilang sa mga prayoridad ng
mga mambabatas sa buong mundo.
Si Legarda rin ang nagsulong ng Expanded Anti-Trafficking
Act, na layuning magpapalakas sa prosekusyon ng mga aktibidad na may kinalaman
sa trafficking at magbibigay ng proteksyon sa mga biktima nito.
Aniya responsibilidad natin na siguraduhing hindi na
mangyayari pa ang ganitong uri ng krimen, sa loob o labas man ng bansa.
(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo -- 8:30-9:00 am)
(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo -- 8:30-9:00 am)
No comments:
Post a Comment