Monday, November 19, 2012

Hanap-buhay para sa mga OFWs handog ng Villar Foundation


    Hindi nga lamang sa pagpapabalik o pagpapa-uwi sa ating bansa ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na inabuso ng kanilang mga amo nakatutok ang gawain ng Villar Foundation, kundi pati na rin sa pagtulong sa mga ito at sa kanilang mga pamilya na makapag-simula ng bagong buhay.

       Marami ngang Pilipino ang nakipag-sapalaran sa ibang bansa, ngunit marami rin dito ang hindi pinalad, kung kaya naman gustong ipakita ng Villar Foundation na maaari silang magnegosyo na lamang dito sa sariling bayan, dahil may maliit namang Business Enterprises na pwede nilang simulan kung sila’y magkakaroon lamang ng tamang kaalaman.

       Dagdag pa ni running for senator, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, naging katuwang at kaugnay ang Ople Center, ng gawaing ito kung saan tinuruan ang mga OFWs ng bagong kaalaman para sa kanilang kabuhayan.

        Bunsod pa nito nagsasagawa din ng taunang OFW summit.

       Sa Nov. 22, 2012 nga ay isasagawa ito sa World Trade Center sa Pasay, layunin nito na mai-angat ang buhay ng ating mga OFWs sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

No comments:

Post a Comment