Wednesday, November 28, 2012

LEGARDA NABAHALA SA MAAARING PAGTAAS NG TEMPERATURA SA MUNDO


Araw-araw ay kinakaharap ng Pilipinas at maging ng lahat ng tao at iba pang mga nilalang sa mundo, ang pagbabago ng klima o Climate Change.

Ilang mga species ng mga hayop at halaman ang nangangambang maglaho.dahil sa abnormalidad ng panahon, iba’t ibang kalamidad na rin ang nararanasan, ang tag-ulan sa panahon ng tag-araw at tag-araw sa panahon ng tag-ulan.

Nakaka-alarma rin ang lumabas na resulta sa ginawang pag-aaral ng World Bank, kung saan maari umanong tumaas ng 4ยบ celcius  ang temperature sa mundo.

Kung kaya naman patuloy na isinusulong ni Sen. Loren Legarda ang kanyang mga akdang batas na may kaugnayan sa kalikasan, isa na nga dito ang Clean Air Act, kung saan layunin nito na mabawasan at iwasan ang polusyon sa hangin.

Bilang Senate Committee Chairman on Climate Change, hinimok ng Senadora ang mga industrialized country na maglaan ng pondo para sa Green Climate Fund, ito ay sa harap ng nararanasang Climate Change sa buong mundo.

Ang pabago-bagong klima ayon kay Legarda ay magdudulot ng mas malalang epekto sa mga mahihirap na maaaring magbunga ng kasalatan sa supply ng pagkain o kagutuman at mas matinding kahirapan.

Sa kabila ng nararanasang economic crisis sa Europa at Amerika, pina-alalahanan ng senadora na responsibilidad pa rin ng mga industrialized country ang tulungan ang mga bansang vulnerable sa epekto ng climate change kung saan kabilang na nga dito ang Pilipinas.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am


No comments:

Post a Comment