Ayon sa survey,
patuloy umano sa pag- ganda ang ekonomiya ng ating bansa, ngunit nasa 42% pa
rin ang populasyon ng na nanatiling mahira, halos mga mayayaman lamang o
nabibilang sa middle class ang nakararamdam ng pag-unlad.
Bunsod ng
nabanggit na problema ay sinuportahan ni Senator Loren Legarda ang panawagan ng Managing Director ng International
Monetary Fund (IMF) na si Christine Lagarde, ayon sa kanya dapat umanong isaalang-alang
ng Pilipinas ang pagsuporta sa mga maliliit na hanapbuhay upang malabanan ang
kahirapan.
Kailangan
umanong bigyang pansin ang pagpapalawak ng ating yaman, upang makasiguro na
lahat ay makakaramdam ng pag-unlad.
Dapat bigyan ng
suporta ang mga hanapbuhay at negosyo sa kanayunan, kung saan kailangang
mamuhunan at siguraduhin ang paglago ng MSMEs o Micro, Small & Medium
Enterprises na magbibigay ng karagdagang trabaho para sa nakararami.
Mahalaga rin ang
mga training programs sa mga barangay upang hikayatin ang mga mamamayan na
sumubok na magtayo ng sariling negosyo.
Dapat umanong
bigyan ng suportang Pinansyal at Teknikal ang mga mangingisda at magsasaka.
Ang mga ahensiya
ng Gobyerno tulad ng: Kagawaran ng Kalakalan at Industriya, Kagawaran ng Paggawa
at Empleyo at Kagawaran ng Pagsasaka ay nagsama-sama para sa maayos na
pagpapatupad ng mga batas, para sa mga hanapbuhay sa kanayunan.
Patuloy rin ang panawagan ni Sen.
Loren Legarda sa pagpapatupad ng kanyang mga akdang batas, gaya ng: Micro,
Small and Medium Enterprises Act (RA 9501), Brgy. Kabuhayan Act (RA 9509) at
ang Agri-Agra Reform Credit Act.
Layunin nito na matulungan ang
mga Pilipino upang makapagtayo ng sariling negosyo o pangkabuhayan.
No comments:
Post a Comment