Monday, October 29, 2012

SERBISYONG SUAREZ sa AGRIKULTURA


Isa sa mga pryoridad ng ating lokal na pamahalaan ang pang Agrikultura na programa, kung kaya naman tuloy-tuloy ang mga proyekto at aktibidades dito sa atin, sa pangunguna ni Gov. David “Jayjay” Suarez, kung kaya naman suportado din ng mga punong bayan at mga opisyales ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura.

Isa na nga ang programa na tinatawag na Training on Community-Based Tilapia Hatchery for Fingerling Production na naisagawa na nga sa iba’t ibang bayan.

Ang mga bayan gaya ng Atimonan, City of Tayabas, San Antonio, San Narciso, Tiaong, Real, Gen. Nakar at Lopez, ay ilan sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon na pinagdausan na ng nasabing pagsasanay.


Layunin nitong pataasin ang kalidad o kabuhayan ng mga kababayan natin sa pangisdaan at mabigyan ang mga mangingisda ng karagdagang, kaalaman.

Tulad ng ibinahagi ng mga kawani ng Fisheries Division, ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor o Agriculture,  tungkol sa mga, sumusunod:

  • Fishpond Lay-out and Design, 
  • Selection of Broodstock, 
  • Pond Preparation, 
  • Water Management, 
  • Collection & Segregation of Post Fry, 
  • Nursery & Fingerling Handling and Marketing, 
  • Farm Records and Financial Management at 
  • Adaptation Measures to Lessen the Effect of Climate Change to Fish Productivity 

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng naturang pagsasanay ang mga kababayan nating mangingisda sa iba pang bayan ng lalawigan.


Bukod pa dito namahagi rin kamakailan ng limang libong (5,000) coconut seedlings ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa mga bayan ng Unisan, Catanauan, San Narciso at Gumaca, Quezon, kaalinsabay ng pagsasagawa ng Coconut Planting and Replanting Program na dinaluhan ng isang daan at dalawampung (120) magniniyog. 

Layunin nito na buhayin at pagyamaning muli ang sektor ng pagniniyugan, upang mapalitan ang mga naputol na puno ng niyog, mga nasalanta ng bagyo, matatandang puno at mga tinamaan, ng peste.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) Gov. David "Jay-jay" Suarez

No comments:

Post a Comment