Nahuli na nga
kahapon si Reagan Laurel Bugtong @ Juancho na residente ng Sitio Sto. Tura, Brgy Soledad ng bayang nabanggit
dahil sa kaso nitong Frustrated Homicide na isinampa noong September 20, 2012.
Nadakip ito sa Brgy San Rafael dakong alas-4:40 ng madaling araw kahapon sa
pamamagitan ng grupo nina SPO1 Ruel
Obmina at PO1 Bernardo Almariego Jr. ng PIB, QPPO dala ang Warrant of Arrest na
may Criminal Case # 12-3358.
Samantala, ilang
oras lang ang nakalilipas, isang sunog naman ang nai-ulat dakong 9:20 ng umaga
sa Brgy. Bagong Bayan.
Isang Mr. Ray
Astoveza ang dumulog sa himpilan ng Mauban Fire Station upang i-ulat ang sunog
sa isang residential nipa hut na pagmamay-ari ng isang Nicasio Alcantara sa
Siquijor St, ng naturang lugar.
Agad namang
tinungo ng mga tauhan ng Bureau of Fire na pinangunahan ni Insp Fernando
Castillo, ang nasabing lugar.
Sa
imbestigasyon, napag-alaman na sa paglalaro ng posporo ng mga anak ng mga
Alcantara nagsimula ang sunog, wala namang nai-ulat na nasaktan ngunit humigit
kumulang P7,000.00 ang halaga ng nasirang pag-aari.
No comments:
Post a Comment