Tuesday, October 23, 2012

USAPANG PANGKALUSUGAN: TIPUS O TYPHOID FEVER

Ang Tipus o Typhoid Fever ay nakukuha sa bakteryang “Salmonella Typhi”
Ito ay nakukuha sa kontaminadong pagkain at inuming-tubig, ilan sa mga palatandaan ng Typhoid Fever ay ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina, kawalang gana sa pagkain at pagtatae o pagtitibi okaya ay “abdominal discomfort”.
Upang makaiwas sa ganitong sakit narito ang ilang health tips:

  • Pakuluan ang inuming-tubig at hayaang kumulo ito ng 3 minuto kung hindi tiyak na ligtas ang pinagkunan nito.
  • Lutuin ng husto ang pagkain at laging takpan upang hindi dapuan ng mga langaw na nagdudulot ng sakit.
  • Hugasang mabuti ang lahat ng prutas at gulay na kinakain na hilaw.
  • Iwasang kumain ng mga pagkaing tinitinda sa mga bangketa kung hindi sigurado ang kalinisan ng mga ito.
  •  Gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran at bago kumain.
  • Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng langaw.
  • Kung inaakalang may “typhoid fever”, dalhin ang pasyente sa pinaka malapit na health center o ospital




No comments:

Post a Comment