Friday, October 19, 2012

PANATILIHIN ANG TRADISYONG PILIPINO-LEGARDA


  Dahil sa pagbibigay importansya at pagmamahal ni Senate Committee on Cultural Communities Loren Legarda sa mga katutubo dito sa Pilipinas, naglunsad ang senadora ng kauna-unahang permanenteng textile galleries sa bansa, ito ay ang Hibla ng Lahing Filipino o The Artistry of Philippine Textiles.

  Ang ang Hibla Pavilion of Textiles and Weaves of the Philippines ay inilunsad nga kamakailan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo.

  Layunin umano ng nasabing eksibisyon ang mailahad ang mga kwento ng ating mga katutubo sa pamamagitan ng kanilang mga habi na ipinamana pa sa kanila ng kanilang mga ninuno. Inaasahan din na makatutulong ito upang malutas ang kinahaharap ng mga katutubong sining ng mga Filipino – ang paglaho nito dulot ng kakulangan ng pagpapahalaga.

  Binibigyang-pansin ng Hibla Pavilion ang iba’t ibang tradisyunal na paghahabi gaya ng hinahabing mga katutubong kasuotan ng mga B’laan na nilagyan ng mother-of-pearl at ang tradisyon ng mga T’Boli na gumagawa ng mga intrikadong sinturon na nilagyan ng sequins, mga kampanang gawa sa tanso at mga beads. Ipinakikita rin dito ang kumplikadong tradisyon ng pagbuburda ng mga katutubo gaya ng tradisyunal na cross-stitching ng mga T’boli sa Mindanao at ang tradisyunal na pagbuburdang panubok ng mga Panay Bukidnon sa Visayas.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) SENATOR LOREN LEGARDA 

1 comment:

  1. Saludo po ako sa mga taong gaya ni Sen. Loren Legarda dahil bukod sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan, binigyang halaga din niya ang mga katutubo natin na syang dapat naman talagang pangalagaan. Pati ang mga tradisyong Pilipino. Sana ay madami pang tao ang sumuporta sa mga adbokasiya para sa kapwa nating Pilipino.

    ReplyDelete