Tuesday, October 23, 2012

Campaign on Trojan War nagpapatuloy


Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng kampanyang Trojan War (Neutralization of Wanted Person), 2 pa na nasa wanted list ang nahuli sa 2 bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sa pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng San Andres MPS na pinangunahan ni PO3 Ronnie A Cataguiz, 74th IB na pinangunahan ni Lt Carlo Catalan at Cataingan MPS Masbate na pinangunahan ni PO3 Medardo Aplacador Warrant PNCO, naisagawa ang isang operasyon sa pagtugis sa isang supek sa kasong pagpatay (murder) sa bayan ng San Andres Qzn.

Ang suspek na kinilalang si Teodolfo Mahilum Jr y Usgang @ Dungan, ay nadakip lunes, dakong 4:30 ng madaling araw sa Brgy. Tala ng bayang nabanggit.

Nasa kustodiya na ng San Andres MPS ang suspek at walang ibiniyag na piyansa.  

Samantala 10:30 naman ng umaga ng maaresto si Ladislao Gamboa y Vito, sa kanyang bahay sa Brgy. Sampaloc 2, Sariaya Qzn. sa pamamagitan ng mga elemento ng Sariaya PNP kasama ang pulis brgy. sa bisa ng warrant of arrest mula kay Judge Francelyn G. Begonia ng Municipal Trial Court (MTC) Sariaya Qzn.

Ito ay sa kasong Violation of RA 8294 sa ilalim ng Criminal Case Nr. 11-52 na may bailbond na P60,000.00.
Pansamantala ay nakakulong ito sa Sariaya lock-up cell.

No comments:

Post a Comment