Wednesday, October 24, 2012

PANATILIHIN ANG MAKULAY NA TRADISYON NG PILIPINO


Suportado ni Sen. Loren Legarda ang Schools of Living Traditions (SLT), kung saan layunin nitong ituro sa nakababatang henerasyon ang katutubong sining at gawain ng mga komunidad na ito.

Ayon sa senadora, ang programang ito ay sisiguro, na maisasalin ang mga katutubong tradisyon o pamamaraan, na tulad ng paghahabi, dahil hindi lamang isang libangan o gawaing pinagkakakitaan ito, kundi isang Gawain, na ang bawat hibla ay sumisimbolo sa tiyaga, pagtitiis, kasipagan at pag-ibig para sa kalinangan, na patuloy na niyayakap at isinasabuhay ng mga katutubo,

Ang iba’t ibang tradisyunal na paghahabi, gaya ng hinahabing mga katutubong kasuotan, ng mga B’laan na nilagyan ng mother-of-pearl at ang tradisyon ng mga T’Boli na gumagawa ng mga intrikadong sinturon na nilagyan ng se-quins, mga kampanang gawa sa tanso at mga beads. 
Mga kumplikadong tradisyon ng pagbuburda ng mga katutubo, gaya ng tradisyunal na cross-stitching ng mga T’boli sa Mindanao at ang tradisyunal na pagbuburdang panubok ng mga Panay Bukidnon sa Visayas, ang ilan sa mga tradisyong Pilipino na binigyang pansin sa Hibla Pavilion

Si Sen. Legarda nga rin ang nag-akda ng Philippine Tropical Fabrics Law ng 2004, na nag-tatakda na gamitin ang katutubong hibla, sa mga opisyal na u-niporme ng mga empleyado at opisyal ng pamahalaan, upang lalong mapalakas ang ating lokal na industriya.at maipakita ang natatanging galing at sining ng mga katutubong pamayanan. 

No comments:

Post a Comment