Monday, October 15, 2012

CONGRESSIONAL DISTRICT MEET SA IKA-APAT NA DISTRITO NG QUEZON NAGING MATAGUMPAY


Natapos na nga kahapon ang ika-19 na palaro o ang 4th Congressional District Meet sa lalawigan ng Quezon na nagsimula nga noong ika-12 ng Oktubre sa Calauag East Central School.

Nasa mahigit na 2,000 estudyanteng manlalaro ang nakilahok mula sa 10 bayan ng ika-4 nadistrito, kasama rin ang mga Punong Bayan sa bawat lugar

Pinagkaloob ang bayan ng Calauag, Quezon ng Pamahalaang Panlalawigan, Serbisyong Suarez, ng halagang Php 325,000 na cash assistance na sya ring naging host sa nasabing palaro at sa ikagaganda ng nasabing programa sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez, na nagging tagapagsalita dito, susuportahan niya ang  mga programang gaya nito, kung saan ang kapakinabangan ng bawat mamamayan sa lalawigan ng Quezon ang pangunahing layunin.
Nagbigay din ngkaragdagang tulong ang Ama ng Lalawigan sa bawat isa ng delegasyon na nagkakahalaga, ng “sampung libong piso” upang gamitin ng mga manlalaro sa kanilang pangangailangan.

Samantala ayon naman kay 4th District Congressman Lorenzo Tañada III, Pagdating sa larangan ng palakasan ay walang pulitikahan, at talagang nagkaisa ang lahat ng mga pinunong bayan, magsisilbi umanong aral para sa mga opisyal ng pamahalaan, ang taglay na katangian ng isang manlalaro sa pagiging matapat at ang pagtanggap, sa katotohanan, nasa bawat laban ay mayroong panalo, at may natatalo.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) Gov. David "Jay-jay" Suarez

No comments:

Post a Comment