Monday, October 22, 2012

LEGARDA, KINILALA NG UN BILANG ‘HERO OF RESILIENCE’


Dahil sa nararanasang abnormalidad o pagbabago ng klima ng panahon, patuloy na isinusulong ni Senador Loren Legarda ang pangangalaga at proteksyon ng kalikasan.

Nauna na nga dito ang pandaigdigang kampanya para sa maayos na pangangalaga sa kapaligiran o good environmental governance na kinilala noong 2001 ng World Economic Forum, kung saan kinilala ang senadora bilang isa sa mga Global Leaders for Tomorrow.

Ilan sa mga akdang batas din niya na may kaugnayan sa adbokasiya sa pangangalaga ng kalikasan ay ang Climate Change Act at ang Philippines Disaster Risk Reduction and Management Law, kung saan pareho itong napabilang sa pinakamagagandang batas sa mundo.  
Kaugnay din nito ang akda niyang batas tulad ng Clean Air Act, Solid Waste Management Act, Climate change Act, Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act at ang People’s Survival Fund Act.     
Pinangunahan din ng sendora ang isang “information and education campaign”, patungkol sa disaster risk reduction at climate change adaptation, ito ay sa pamamagitan ng regional workshops para sa mga lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng pagpapakalat sa buong bansa ng mga documentary o tungkol sa climate change at ang kaniyang greening program na “Luntiang Pilipinas”, kung saan ay nakapagtanim na ng dalawang milyong puno sa mahigit 500 ektaryang lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa tatlong bilyong babae sa buong mundo, si Senador Loren Legarda ang natatanging Pilipino at isa sa sampu na kinilalang “United Nations International Strategy for Disaster Reduction” (UNISDR) bilang bahagi ng selebrasyon para sa 2012 International Day for Disaster Reduction na may temang Women and Girls: The [in]Visible Force of Resilience.

No comments:

Post a Comment