Tuesday, October 16, 2012

Misyong Paglilingkod-Punzalan


     Isang Misyong Paglilingkod ang isinagawa sa bayan ng Tiaong Quezon, kung saan isang “Free Medical, Dental at Optical Mission”  ang pinangunahan nina former Congresswoman Lynn Punzalan,  dating Board Member (BM) Anton “Jun”  Punzalan at kanyang kapatid na si Francis Punzalan.

      Humigit kumulang limang daan ang naitalang bilang ng pasyenteng natulungan sa nasabing bayan.
  
     Naging maayos at matagumpay ang nasabing medical mission sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Brgy. ng Tiaong kasama ang mga boluntaryong doctor.

     Sa pagtingin ng mga pasyente ay may apat na doctor ang nakatalaga: Dr. Jerrome R. Relato (ER Medicine), Dr. Hanz  Manga (Family Med.), Dr. Pinky Mansukitani (IM) at isang surgeon doctor na mula sa Malabon Polymedic Clinic.
Sa Dental naman ay sina: Dr. Angelita Ignacio, Abigail Cruz at Ybrahim Kalaw mula sa A.S.I Dental Clinic.

        Asahan na umano ang mga ganitong gawain ng mga Punzalan kung saan layunin nila ang mamahagi ng tulong para sa mga taong nangangailangan.at walang kakayahang gumastos para sa kanilang medical check-up.

Kasabay din nito ang ika- 67th na kaarawan ni dating Congressman Marcial  Punzalan.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo))

No comments:

Post a Comment