Wednesday, October 24, 2012

BIKTIMA NG PANANAKSAK NATAGPUANG PATAY-Tiaong Quezon


Isang bangkay ang natagpuan sa isang maliit na kubo kahapon ng umaga sa bayan ng Tiaong Quezon.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng Tiaong Police Station, kahapon dakong 9:15 ng umaga, kung saan isang concerned citizen ang nag-ulat na isa umanong bangkay ang natagpuan sa isang kubo, sa  Sitio DelaFuente, Brgy.,Lagalag, ng bayang nabanggit.

Ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng mga imbestigador dakong alas 7:30 ng umaga ng madiscover ang katawan ng biktima  na nakahiga sa loob ng isang maliit na kubo, na tadtad ng maraming saksak sa kanyang leeg at ulo na syang naging dahilan ng agad nitong kamatayan.

Nakilala ang biktima na si Larde Vidal,@ “Larry”, 43 anyos, caretaker ng Farma Land na pagmamay-ari ng isang Edwin Tantuco , tubong Nasugbu, Batangas, at kasalukuyang naninirahan sa Sitio Dela Fuente, Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon,

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa posibleng pagkakakilanlan ng di pa nakikilalang suspek.

No comments:

Post a Comment