Monday, October 15, 2012

PATULOY ANG PAG-REVIEW O PAG-AARAL SA KONTROBERSYAL NA CYBERCRIME LAW


Matatandaang hindi pa maipasa ang nasabing batas dahil sa mga nagprotesta laban dito, idagdag pa ang hindi din pagsang-ayon ng ilan senador kabilang si Senador Loren Legarda, kung saan nag harap siya ng panukalang batas na nagpapawalang bias sa libelo at iba pang probisyonng Republic Act No. 10175 o ang Cybercrime prevention act of 2012.

Sa kanyang hinain na Senate Bill No. 3295, umaasa ang senadora na mapapawia ang pangamba ng publiko, mula sa mga kwestyonableng probisyon ng batas, naumano’y taliwas sa umiiral n akalayaan sa  pamamahayag sa bansa.

Ang pangunahing layunin ng Cybercrime law ay ang tugisin o masawata ang mga tinaguriang “pollutants” sa cyberspace, tulad ng pornograpia o pornography, cybersex, mgatiwali  at  maling  gawain,  nanagpo-promote, ng human trafficking, ay ang tunay umanong dahilan kung bakit kailangan ang cybercrime prevention law.

Mabuti man ang layunin ng naturang batas ay di naman dapat na isagawa sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng karapatan sa malayang pamamahayag, kung kaya’t sa inihain ni Legarda na Senate Bill 3295, idi-decrimi-nalize ang libelo, at tinatanggal ang parusang pagmumulta at pagkabilanggo sa kasong libelo.


Dagdag pa niya, bagamat ginagarantiyahan sa Bill of Rights ng 1987 constitution ang malayang pamamahayag, ito ay napapa-ikutan pa rin sa pamamagitan ng pagbabanta ng kasong libel, o libelo.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) SENATOR LOREN LEGARDA 

No comments:

Post a Comment