Tuesday, October 23, 2012

ISANG BAHAY TINUPOK NG APOY -- Lucena City


Dahil sa napabayaang nakasinding kandila, isang bahay ang tinupok ng apoy sa Blk. 12 Lot. 8 Main Road sa harap ng chapel ng Welmanville Subd. Brgy.  Bocohan, Lucena City kagabi.

Sa imbestigasyon ng Lucena PNP dakong alas 10:20 ng gabi ng magsimula ang sunog, wala umanong kuryente ang bahay na pagmamay-ari ng balong si Genero Montera  Liad, 56 yrs. old, ng gabing iyon at naiwang nakasindi ang isang kandila na naging dahilan ng pagkalat ng apoy at tumupok sa naturang bahay.

Dumating naman dakong alas-11:00 ng gabi ang mga tauhan ng BFP Lucena at napigilang kumalat pa ang apoy, tinatayang humigit kumulang Php 250,000.00 ang estimated damage ng nasabing sunog, wala namang naitalang nasaktan sa insidente.

No comments:

Post a Comment