Thursday, October 18, 2012

SIMULAN SA KABATAAN

Nagsagawa ng lecture o pag-aaral ang mga kinatawan ng Task Force Lucena na pinamunuan ni Col. Narciso Alamag, Lucena PNP na pinamunuan ni PSUPT. Sergio Vivar at City Anti-drug Abuse Council sa Gulang-gulang National High School kung saan nasa 200 mag-aaral ang nakinig.

Dito ipinaliwanag sa mga kabataaan ang impormasyon at kalinawan para malaman at maunawaan ang mga nangyayari sa lipunan at upang makaiwas sa maling barkada na nagiging masamang ehemplo at samahan na nagdudulot ng pagkasira ng kanilang kinabukasan.

Ibinahagi ni P/INSP. Elena Eleazar, hepe ng Womens Desk ng Lucena PNP ang tungkol sa Violence Against Women and Children, na hindi dapat baliwalain, lalo na sa mga kabataan at kababaihan na nakararanas ng pananakit sa kamay ng magulang at asawa.

Tinalakay naman ni Chief Inspector Leogo ang mga dapat tandaan sa pag-iwas sa mga krimen lalo na sa mga kabataang gumagala sa gabi.
Nagturo din ito ng mga pamamaraan sa pagdipensa sa sarili o self-defense.

Layunin ng pag-aaral na ito na mabigyan ng kapaliwanagan at mga tamang impormasyon ang mga bata at madala sila sa magandang landas at kinabukasan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring ibinabahagi ng Task Force Lucena sa pangunguna ni Cpt. Agpao kapag may talakayan, ang IPSP BAYANIHAN at ang Youth Infiltration ng CPP/NPA/NDF sa hanay ng mag-aaral.

No comments:

Post a Comment