Bukod sa pagkakaroon ng High Trust Rating sa
isinagawang “ Pulse Asia Survey” mula Aug. 31 hanggang Sept. 7, 2012.
Muling namayagpag si Sen. Loren Legarda sa
latest STRAT Polls survey, kung saan nakakuha siya ng 64% mula sa 1,200
respondents sa buong bansa.
Taos puso niyang ipinagpasalamat ang tiwala
at pagmamahal ng taong bayan sa kanya, kung saan batid umano ang kanyang nagawa,
ginagawa at gagawin pang trabaho sa senado.
Idinagdag din ng senadora na sa nalalapit na
eleksyon, ang pagtupad sa tungkulin, pagtulong na mai-angat ang kabuhayan at mabigyan
ng mahusay na serbisyong medikal ang mga mamamayan, ang dapat na unahain.
Sumunod kay Sen. Legarda sina: Sen. Chiz
Escudero (63%), Sen. Alan Peter Cayetano (58%), Sen. Koko Pimentel III (45%), Former
Congresswoman Cynthia Villar (42%) at Cong. Sonny Angara (40%)
Bumaba naman sa ika-7 pwesto si Cong. JV
Ejercito (37%), ika-8 si dating Sen.
Richard Gordon (35%),ika- 9 si Former Sen. Juan Miguel Zubiri (33%) at ika-10
pwesto si Cong. Jack Enrile (29%)
Nasa ika-11 at ika-12 na pwesto naman sina
Sen. Gregorio Honasan (29%) at Sen. Jamby Madrigal (28%).
No comments:
Post a Comment